PAG-AARAL NG MGA TRADISYONAL NA SAYAW Ano ang mga tradisyonal na sayaw ? Ang mga tradisyonal na sayaw ay mga sayaw na bahagi ng kulturang Pilipino at isinasagawa sa iba't ibang rehiyon sa bansa. Karaniwang ipinapakita sa mga ito ang kasaysayan, pamumuhay, at paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. I to ang mga iba't ibang tradisyonal na sayaw: Tinikling - Isang sayaw na inspirasyon ng galaw ng ibon na tinatawag na tikling. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtalon sa pagitan ng dalawang kawayan na pumapalo sa lupa at nagbubukas-sara. Pandanggo sa Ilaw - Sayaw na nagmula sa Mindoro at sinasayaw habang may dala o may ilaw sa mga kamay, kadalasang lampara o kandila. CariƱosa - Sayaw ng pag-iibigan kung saan ang mga mananayaw ay nagpapakita ng kahinhinan at paglalandi sa isa't isa, kadalasang may hawak na panyo o pamaypay. Sayaw sa Bangko - Isinasayaw sa ibabaw ng mga bangko at nangangailangan ng balanse at mabilis na galaw ng mga mananayaw. Maglalatik - Sayaw mula sa Laguna...